NASA 32 volcanic earthquakes ang naitala sa Bulkang Kanlaon batay sa update ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) hanggang umaga nitong Disyembre 17, 2024.
Umabot na rin ng 8,600 tonelada ang asupreng ibinubuga nito.
Ang Bulkang Taal, bagamat walang naitalang volcanic earthquakes ay umabot na sa 8,322 tonelada ang asupreng ibinubuga.
Samantala, ang Bulkang Mayon ay nagkaroon ng isang volcanic earthquake at tatlong rockfall events.
Nasa 1,058 tonelada naman ang asupreng ibinubuga nito ayon sa PHIVOLCS.