NAGKAROON ng 13 volcanic earthquakes ang Bulkang Kanlaon ng Negros Islands.
Sa monitoring ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) hanggang Nobyembre 14, 2024, nagkaroon ito ng walang patid na pagsingaw at panaka-nakang pag-abo na umabot ng 1K metro ang taas.
Nasa 7,228 tonelada rin ang asupreng ibinubuga ng bulkan.
Samantala, ang Bulkang Mayon sa Albay naman sa kaparehong update ay nagkaroon ng tatlong volcanic earthquakes.
Ang sulfur dioxide flux nito ay aabot sa 746 tonelada.
At nagkaroon ng isang volcanic tremor na umabot ng dalawa hanggang tatlong minuto ang Bulkang Taal.
Malakas din ang pagsingaw sa naturang bulkan na umabot ng 2.4k metro ang taas at nasa 2, 039 tonelada ang asupreng ibinubuga nito.