Bulkang Kanlaon, posibleng puputok—PHIVOLCS

Bulkang Kanlaon, posibleng puputok—PHIVOLCS

POSIBLENG puputok ang Bulkang Kanlaon ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Batay ito sa kanilang monitoring nitong Setyembre 9 kung saan napapadalas na ang seismic activity ng bulkan.

Nasa Alert Level 2 ang Bulkang Kanlaon sa kasalukuyan at dahil nga sa napapadalas na seismic activity ay maaaring itataas pa ang alert level nito.

Dahil dito, sakaling may ash fall event ay pinayuhan ang publiko na takpan ang ilong at bibig sa pamamagitan ng mamasa-masa at malinis na tela o kaya dust mask.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble