Bulkang Kanlaon sa Negros Islands, nagbuga ng abo—PHIVOLCS

Bulkang Kanlaon sa Negros Islands, nagbuga ng abo—PHIVOLCS

NAGKAROON ng pagbuga ng abo ang Bulkang Kanlaon sa Negros Islands batay sa inilabas na update ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS)  hanggang nitong Linggo, Disyembre 8, 2024.

Nagtagal ng isang minuto ang naturang pagbuga.

Maliban dito ay nagkaroon rin ng 14 volcanic earthquakes ang Bulkang Kanlaon.

Samantala, limang volcanic tremors naman ang naitala sa Bulkang Taal sa Batangas.

Nasa 1,207 tonelada ang asupreng ibinubuga ng bulkan at katamtamang pagsingaw na umabot ng 500 metrong taas.

Sa kabilang banda, niyanig ng 4.4 magnitude na lindol ang South Ubian, Tawi-Tawi, 11 minuto matapos ang ala una kaninang madaling araw, Disyembre 9.

May lalim ito na 25 kilometers ayon sa PHIVOLCS ngunit walang aftershocks o mga pinsala ang inaasahan mula rito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble