Bulkang Mayon, itinaas sa Alert Level 2 ng PHIVOLCS

Bulkang Mayon, itinaas sa Alert Level 2 ng PHIVOLCS

ITINAAS na ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa Alert Level 2 ang estado ng Bulkang Mayon sa Albay.

Inalerto ng PHIVOLCS ang mga residente na naninirahan malapit sa Bulkang Mayon.

Ito ay matapos makapagtala ang PHIVOLCS ng ‘increasing unrest’ sa bulkan.

Ayon kay PHIVOLCS Director Teresito Bacolcol, OIC ng ahensiya na maaaring makaranas ng phreatic eruptions o magnetic eruptions.

Mariin ding ipinagbabawal ang paglipad ng mga eroplano malapit sa bulkan.

Ayon sa opisyal, mula pa noong huling linggo ng Abril ay na-monitor na ang pagtaas ng rockfall events mula sa Mayon Volcano lava dome.

Aabot na sa 318 rockfall events ang naiulat sa Mayon Volcano Network mula Abril 1.

Bukod dito, umakyat na rin sa 26 ang namonitor na volcanic earthquakes at mataas din ang sulfur emission sa bulkan.

Hindi rin tinanggal ang posibilidad na tumaas pa ang alert level sa naturang bulkan sa mga susunod na araw.

Samantala, pinayuhan ang publiko na maging alerto sa posibleng ‘phreatic o magmatic eruption’ sa bulkan.

Sulfur dioxide na binubuga ng Bulkang Taal, nakakaapekto sa kalusugan ng tao —PHIVOLCS

Maliban sa Bulkang Mayon, nasa 3,000 kilometro na rin ang taas ng ibinubuga na sulfur dioxide sa Bulkang Taal.

Ang sulfur dioxide ay nakaaapekto sa kalusugan ng tao na nagdudulot ng irritation sa mata, lalamunan, at respiratory system.

Ito’y kung mapupunta sa lower level ang ibinubugang sulfur dioxide ng Bulkang Taal na maaaring maamoy ng tao.

Kaya paalala ng ahensiya sa publiko ang ibayong pag-iingat lalo sa mga bata o matatanda na may asthma, sakit sa puso, at sakit sa baga.

Follow SMNI NEWS in Twitter