NAGKAROON ng dalawang volcanic earthquakes ang Bulkang Mayon sa albay batay sa monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) hanggang nitong Disyembre 15, 2024.
Umabot din ng 1058 tonelada ang asupreng ibinubuga nito.
Samantala, ang Bulkan Kanlaon sa Negros Islands, nagkaroon ito ng 14 volcanic earthquakes.
Habang nasa 3,620 tonelada ang asupreng ibinubuga nito at walang patid na pagsingaw na umaabot ng 50 metro ang taas.