Bulkang Taal, nagkaroon ng phreatic eruption nitong Martes

Bulkang Taal, nagkaroon ng phreatic eruption nitong Martes

NAGKAROON ng phreatic eruption ang Bulkang Taal dalawang minuto bago mag-alas sais ng umaga (5:58 AM) nitong Martes, Disyembre 3, 2024.

Umabot ng 2,800-meters ang ibinuga na grayish plume dahil sa pagputok.

Sa advisory naman ng PHIVOLCS, bagamat pumutok ang Bulkang Taal ay ‘minor’ lang anila ito na phreatomagmatic eruption.

Sa ngayon ay nananatiling nasa Alert Level 1 pa rin ang nabanggit na bulkan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble