NAKAPAGTALA ng 55 na pagyanig at 19 volcanic tremors ang bulkang taal sa nakalipas na limang araw ayon sa Philippine Institute of Volcanology at Seismology (PHIVOLCS).
Pinakamaraming naitalang volcanic earthquakes ay noong April 9 kung saan umabot ito ng 20.
Noong April 10 naman naitala ang pinakamaraming volcanic tremors na umabot ng walo.
Sa ngayon ay nananatili paring nasa alert level 1 ang bulkan ngunit nilinaw ng PHIVOLCS na hindi ito nangangahulugang huminto na ang pag-aalboroto o nawala na ang banta na posibleng puputok ito.
Follow SMNI News on Rumble