KASALUKUYANG binabantayan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang Bulkang Taal dahil sa patuloy nitong ipinapakitang degassing activity simula noong Sabado ng gabi.
Ayon sa abiso ng PHIVOLCS, mas nadagdagan ang degassing ng Bulkang Taal at bukod dito ay may nakita ring “visible upswelling ng volcanic fluids sa main crater lake” nito.
Sinabi rin ng PHIVOLCS na naglabas ang Taal Volcano ng nasa 5,831 na tonelada ng volcanic sulfur dioxide simula noong Hunyo 1 at higit itong mas mataas kumpara sa 3,566 na toneladang average sulfur dioxide emission nito kada araw noong Mayo.
Kasalukuyan namang nasa alert level 1 o low level unrest ang Taal Volcano.