ILULUNSAD ang bullying prevention advocacy campaign ng Department of Education (DepEd) sa pangunguna ng Child Protection Unit (CPU).
Kasabay ito ng pagdiriwang ng ika-30 National Children’s Month (NCM) ngayong buwan ng Nobyembre.
Dala ang temang hashtag #KasamaKa: BaLiK-Aral (Boses, Lakas ng Kabataan at Komunidad sa Balik-Aral).
Pagtutuunan ng nasabing kampanya ang 3 core aspects, ito ay ang Kasama Ako (Adbokasiya Para sa Sarili), KasamaKayo (Adbokasiya para sa Kapwa), at KasamaTayo (Adbokasiya Tungo sa Pagbabago).
Nilalayon din ng naturang adbokasiya na iangat ang moral at motibasyon ng mga guro, pakilusin ang suporta ng komunidad para sa edukasyon, at isulong ang learner empowerment at youth participation sa pagtataguyod para sa kanilang mga karapatan at proteksyon.
Nakatakda namang sisimulan ng DepEd ang pagdiriwang ng National Children’s Month sa Nobyembre 9.