Bulok na sistema, dahilan ng talamak ng korupsyon sa PhilHealth —PACC

Bulok na sistema, dahilan ng talamak ng korupsyon sa PhilHealth —PACC

“MARAMI na kaming inimbestigahan, kinasuhan, tinatanggal, at kinukulong. Pero ang isyu ng PhilHealth, grabe po ito, grabe ang nakawan, grabe ang kahapalan, grabe ang kawalang-hiyaan” PACC Commissioner Greco Belgica

Ganito inilarawan ni Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Commissioner Greco Belgica ang sitwasyon ngayon ng PhilHealth pagdating sa korupsyon sa kaniyang pagdalo sa ikalawang pagdinig ng Senado laban sa PhilHealth.

Ayon kay Belgica, nasa P2 bilyon hanggang P3 bilyon ang inilalabas na pera ng korporasyon kada linggo, at ang halagang ito ang exposed sa korupsyon sa loob ng ahensya.

Ipinaliwanag naman ni Belgica na dahil sa dalawang bagay kaya talamak ang korupsyon.

Aniya dahil sa bulok na sistema ng IT system at legal system kaya nakakalusot ang korupsyon at madaling lusutan ang mga isyu ng korupsyon sa loob ng ahensya.

Paliwanag pa ni Belgica na dahil walang validation mechanism kaya hindi nache-heck ang mga claims mga pasyente mula sa ibat ibang hospital.

“Dalawa lang ang kailangan nating tugunan ng pansin para mabago ang korap na sistema sa ngayon. Ang IT at ang legal system. Ang IT system na ginagamit ng PhilHealth ngayon has no validation mechanism, kaya nama-manipulate ng mga empleyado at hospital na hindi chene-check ng PhilHealth kung totoo ang mga claims nila.” PACC Commissioner Greco Belgica

 

Pero giit ni Belgica na hindi kailanganng gumastos ng P2.1 bilyon para ayusin ang external audit system nito gayong marami na aniyang mga kompanya gaya ng DBM at Landbank ang nagsabing kaya nila itong ibigay sa sa ahensya ng libre.

Pero tinanggihan aniya ito ng PhilHealth para patuloy na pagkakakitaan ang ahensya.

Ipinaliwanag naman ni Belgica na kaya walang nasasampang kaso sa mga opisyal ng PhilHealth ay dahil sa dami at tagal ng proseso ng mga kaso sa loob ng ahensya.

Dahil sa talamak na korupsyon ay dapat lang aniya linisin ang buong Philhealth.

“Kailangan lahat hanggang baba makasuhan, maparusahan, at mapalitan lahat.” PACC Commissioner Greco Belgica

Una namang sinabi ni embattled PhilHealth President and CEO Ricardo Morales na hindi sapat ang isang taon niyang pamamahala sa ahensya para matanggal ang ugat ng korupsyon sa PhilHealth.

Ayon naman kay Morales, hindi sapat at akma ang internal anti-fraud mechanisms ng ahensya para ma-address ang problemang internal sa PhilHealth.

Matatandaan na sinabi ni Morales noong unang pagdinig na nasa P10.2 billion ang nawala sa ahensya noong 2019 dahil sa fraud.

Sa tala naman na inilabas ni Belgica ay nasa P100 bilyon mahigit na ang nawala sa ahensya dahil sa fraud simula noong 2013 hanggang 2018.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.