Bumabang porsyento ng bilang ng mga kumuha ng Bar Exams, ikinalungkot ng SC

Bumabang porsyento ng bilang ng mga kumuha ng Bar Exams, ikinalungkot ng SC

BAHAGYANG nadismaya ang Supreme Court (SC) dahil hindi nakumpleto ang mga sumalang sa unang araw ng 2022 Bar Exams kahapon.

Mula kasi sa mahigit 10,000 na nagpatala sa Bar Exams ay tanging 9,207 Bar examinees lang ang lumahok sa morning at afternoon sessions sa unang araw ng exam.

Ayon sa Supreme Court spokesperson Atty. Brian Keith Hosaka, ito ay katumbas ng 92.01% turnout ng examinees.

Sinabi naman ni 2022 Bar Exams Chair at Supreme Court Associate Justice Alfredo Benjamin Caguioa na naging maayos ang resulta at mga kaganapan sa first day ng eksaminasyon.

Umaasa si Caguioa na ganito rin ang mangyayari sa mga susunod o sa pagpapatuloy pa ng Bar Exams sa November 13, 16, at 20.

BASAHIN: 9,821 candidates, kukuha ng 2022 Bar Exam simula bukas –SC

Follow SMNI News on Twitter