Gumamit ng cutting edge laser ang Burnaby upang maayos ang trapiko sa Metrotown mall.
Nagsagawa ang Burnaby ng pagbabago upang malutas ang matagal nang isyu sa trapiko sa isa sa mga pinaka-abalang transit station sa Metro Vancouver.
Nakipag-ugnayan ang Burnaby sa TransLink at lokal na kumpanyang Botech Engineering and Consulting Inc. Upang magdeploy ng ‘cutting edge’ LiDAR system sa intersection.
Ito ay para sa mga bus na kinakailangang magleft turn upang makapasok sa Metropolis Metro Town mall.
Ngunit dahil walang nakalaang left turn lane, gumamit ang lungsod ng LiDAR system upang magbigay ng protected left turn para sa mga bus na papasok sa bus loop.
Ang LiDAR system ay nakakapagdetect ng mga bus at mayroon itong special LED signal, bukod dito ay nakakapag-detect din ito ng haba at taas ng isang sasakyan upang makita ang bus sa dilim, ito ay isang bagay na hindi nagagawa ng artificial intelligence based (AI) camera.
Samantala, ito ang kauna-unahang pagkakataon na nag-deploy ng LiDAR -based sensor sa travel lane at ito ay makatutulong upang mabawasan ang pagkaantala ng trapiko.
(BASAHIN: Canada, makikilahok sa isang moon mission sa pinakaunang pagkakataon)