Burol ni Gov. Degamo, binisita ng mga opisyal ng gobyerno

Burol ni Gov. Degamo, binisita ng mga opisyal ng gobyerno

PERSONAL na bumisita sina House Speaker Martin Romualdez, DILG Sec. Benhur Abalos Jr., Chief PNP Rodolfo Azurin, Jr. at PNP Deputy Chief for Operations PMGen. Jonnel Estomo sa burol ni Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Nakaburol ang mga labi nito sa Dumaguete Babahuba Rosario Heights.

Matatandaang walang habas na pinagbabaril si Degamo ng mga suspek na pawang nakasuot ng army uniforms.

Kasalukuyan pa ring inaalam ang motibo ng pagpatay kasunod ng pagkakahuli ng tatlong mga suspek na sinasabing kasama sa mga nagpaulan ng bala sa mismong compound ng gobernador.

Follow SMNI NEWS in Twitter