NAGPAHAYAG ng pasasalamat ang isang bus company sa militar matapos matuntun at mapatay ang mga suspek sa pambobomba ng isang bus sa North Cotabato.
Nangyari ang pambobomba sa Mindanao Star bus noong Enero 11 na nagresulta ng pagkasawi ng isang 5-taong gulang na bata at ikinasugat ng anim na iba pa.
“We condemned the attack on one of our buses and hope that the victims will be given justice. At the same time, we extend our sincere gratitude to our soldiers for their efforts in ensuring the safety of our riding public,” pahayag ni Celer Estologa, legal and media relations manager for Mindanao ng Yanson Group of Bus Companies (YGBC).
Nitong Sabado, Enero 15, natunton ng 6th Infantry Division ang mastermind sa pag-atake sa naturang bus na si Norodin Hassan alias “Andot” at tatlong kasamahan at napatay ang mga ito sa isang operasyon sa bayan ng Carmen sa North Cotabato.
Ang YGBC ay nagmamay-ari ng pitong kompanya ng bus sa bansa na may tatlong subsidiaries sa Mindanao —ang Mindanao Star Bus Transport Inc. (MSBTI), Bachelor Express Inc., at Rural Transit Mindanao Inc.