MAGSISIMULA sa pagsasara ng bus lane ang magiging rehabilitasyon ng EDSA, ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
Ibig sabihin, pansamantalang gagamit ng ibang lanes sa EDSA ang mga bus habang isinasagawa ang mga pagkukumpuni sa bus lane.
Sa pahayag ni DPWH-National Capital Region Director Lorie Malaluan, napagkasunduan na ito ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Magsisimula ang proyekto sa northbound section habang hinihintay ang procurement para sa southbound segments at ang pag-release ng mga allotments mula sa Department of Budget and Management (DBM).
Ang mga pagkukumpuni sa northbound lane ay mula Balintawak hanggang Monumento, habang sa southbound lane ay magsisimula mula Monumento hanggang Roxas Boulevard.
Kabilang sa mga hakbang sa rehabilitasyon ang paglalagay ng reinforcements sa concrete pavement ng EDSA at ang pag-aapply ng asphalt overlay na may anti-rutting modifiers.
Tinatayang aabot sa P300M ang gastos para sa isang northbound segment at humigit-kumulang P7B para sa 15 southbound segments.
Aasahan na ngayong buwan magsisimula ang EDSA rehabilitation.
Follow SMNI News on Rumble