Business establishment sa Binondo, ipinasara ni Manila Mayor Isko Moreno

Business establishment sa Binondo, ipinasara ni Manila Mayor Isko Moreno

IPINASARA ni Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso ang isang business establishment sa Binondo matapos i-label ng manufacturer ang Maynila bilang probinsiya ng China.

Sa isang Facebook live ni Mayor Isko Moreno, ipinaskil sa ilang mga shop na pagmamay-ari ng manufacturer ng Ashley Shine Keratin Treatment Deep Repair ang closure order.

Ang Ashley Shine Keratin Treatment Deep Repair ay dini-distribute ng elegant fumes beauty products, isang Binondo-based na kompanya at pag-aari ng isang Chinese national.

Una nang nanawagan si PBA Party-List Representative Jericho Nograles sa Department of  Trade and Industry (DTI) at Food and Drugs Administration (FDA) na ipagbawal ang pagbebenta at distribusyon ng nasabing produkto sa Pilipinas.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.