Business leaders, suportadong isailalim ang NCR sa hard lockdown ngayong Agosto

Business leaders, suportadong isailalim ang NCR sa hard lockdown ngayong Agosto

INIHAYAG ng mga business leader ang suporta nito sa panukalang magpatupad ng dalawang linggong hard lockdown sa National Capital Region (NCR) sa buwan ng Agosto dahil sa banta ng COVID-19 Delta variant.

Sinuportahan ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joel Concepcion ang suhestiyon ng OCTA Research na iginiit na ang maagang “circuit breaker” lockdown sa National Capital Region ay maaaring mapigilan ang pagkalat ng mas nakahahawang COVID-19 Delta variant.

Maging si Philippine Chamber of Commerce and Industry Exporters Confederation of the Philippines Chairman George Barcelon at Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry o FFCCCII President Dr. Henry Lim Bong Lionag ay sinang-ayunan ang panukala ng OCTA esearch.

Gayunman, iginiit din ng mga ito na ang pagpapatupad ng lockdown ay dapat na pagplanuhan ng hindi bababa sa isang linggo upang magkaroon din ng sapat na oras ang mga negosyo at kabahayan na paghandaan ito.

Samantala, inihayag ni DOH-National Capital Region’s Epidemiology and Surveillance Unit Chief Dr. Manuel Mapue II na may mga Delta variant cases na sa lungsod ng Makati, Las Piñas, Malabon, Maynila, Parañaque, Pasig, Quezon City, San Juan at Taguig.

Sa kabuuan, Sinabi ni Dr. Mapue na umabot na sa 25 ang Delta variant cases sa Metro Manila.

Samantala, isa sa mga Delta variant patient sa Metro Manila ang namatay na, walo ang gumaling at labing-anim pa ang nagpapagaling.

BASAHIN: 2 linggong lockdown sa NCR inirekomenda ng OCTA para maagapan ang pagkalat ng Delta variant

SMNI NEWS