LIBRE na ang business permit, sanitary permit at health certificate ng mga sari-sari store sa lungsod ng Pasig.
Ito ang inanunsyo ni City Mayor Vico Sotto sa kanyang social media account matapos maglabas ng ordinansa ang lungsod ukol dito.
Ayon pa kay Sotto, gagawin ng special permit ang business permit ng sari-sari stores na may taunang kita na hindi hihigit sa P250,000.
Sinabi ng alkalde na tulong ito para sa mga maliliit na negosyo sa Pasig para lalong lumago ang lokal na ekonomiya.
Bukod sa negosyo’t ekonomiya, makakatulong din aniya ito sa public health dahil mas mahihikayat ang mga store owner na magpa-checkup para sa health certificate.