Buto ng manok at hindi kalansay ng tao ang nahukay sa umano’y mass grave sa NBP

Buto ng manok at hindi kalansay ng tao ang nahukay sa umano’y mass grave sa NBP

HINDI tao, kundi hayop. Ito ay dahil buto lang pala ng manok ang nakuha sa septic tank sa loob ng compound ng New Bilibid Prisons (NBP) na sinasabing mass grave o tapunan ng bangkay.

Ito ang kinumpirma ni Dr. Annalyne Dadiz ng NBI Medico Legal Division sa pagdinig ng Senate Committee on Justice and Human Rights kanina na isinagawa sa Bureau of Corrections (BuCor) headquarters.

Nilinaw naman ng NBI na hindi matutukoy sa isinagawang forensic kung may human remains o kalansay ng tao sa septic tank at kung ano ang pinagmulan ng buto at iba pang nakuhang gamit sa septic tank gaya ng underwear, lighter at razor.

Matatandaang sa septic tank naamoy at itinuro ng search and rescue dog ang sinasabing bangkay ng nawawalang preso na si Michael Cataroja.

Dahil walang natagpuang katawan ng tao sa septic tank ay sinabi ni BuCor Director Gregorio Catapang, Jr. na sa isa sa mga anggulo na kanilang tinitingnan ngayon ay ang posibilidad na nakatakas si Cataroja na nawawala noon pang Hulyo 15.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble