Buwan ng Mayo, Buwan ng mga Magsasaka at Mangingisda

Buwan ng Mayo, Buwan ng mga Magsasaka at Mangingisda

SA bisa ng Presidential Proclamation No. 33, na nilagdaan noong Mayo 21, 1989, ang buwan ng Mayo kada taon ay idineklarang bilang Buwan ng mga Magsasaka at Mangingisda.

Layunin ng pagdiriwang na ito na bigyang-halaga ang mahalagang papel at ambag ng mga magsasaka at mangingisda sa paglaban sa kahirapan, pagtitiyak ng seguridad sa pagkain, at pagpapatibay ng sustainable food system.

Ngayong buwan, muling kinikilala ng buong bansa ang pambihira nilang kontribusyon ng mga magsasaka at mangingisdang Pilipino na kaisa ng Department of Agriculture tungo sa isang masaganang bagong Pilipinas.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter