ISINUSULONG ngayon sa Kamara ang panukalang batas na layong bigyan ng hazard pay ang lahat ng disaster response personnel tuwing may state of calamity.
Layon ng House Bill 3108 ni Nueva Ecija Rep. Rosanna Vergara na amyendahan ang Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2000 para maibigay ang nararapat na incentive sa first responders tuwing may kalamidad.
Sakop nito ang pagbibigay ng P2,000 monthly hazard pay sa lahat ng qualified personnel sa Local o Barangay Disaster Risk Reduction and Management Office sa buong period na may state of calamity.
At ang hazard pay ay hindi sakop sa pagbabayad ng anumang uri ng buwis.
Ayon kay Congresswoman Vergara, bayani ang mga taong ito na nagbubuwis sa kanilang buhay sa tuwing may kalamidad kaya dapat silang unahin ng gobyerno.
“According sa United Nations Office of Disaster Risk Reduction, our country is third sa buong mundo na may pinakamataas na panganib sa mga sakuna tulad ng landslide, pagbaha, lindol at iba pa. This bill is very timely and I really hope this exposure you are giving me will encourage my fellow colleagues in the House of Congress to prioritize the passage of this bill,” saad ng mambabatas.