HINDI pinaboran ng Court of Appeals (CA) ang inihaing Motion for Reconsideration ng French pharmaceutical na Sanofi Pasteur kaugnay sa kanilang kontrobersiyal na Dengvaxia dengue vaccine.
Noong 2018 nang binawi ng pamahalaan ang Certificates of Product Registration ng Dengvaxia.
Bago binawi ang product registration ay inihayag na mismo ng Sanofi noong 2017 na may dalang banta ang Dengvaxia sa mga taong hindi infected ng dengue.
Sa katunayan, marami nga namang mga mag-aaral ang nasawi dahil sa naturang bakuna.
Ito na ang dahilan kung bakit ipinatigil na ng gobyerno ang nationwide dengue vaccination program na sinimulan noong 2016.