NILINAW ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at ng ilang airlines company na hindi lamang vaccination card para sa fully vaccinated na mga pasahero ang nire-require para makasakay ng eroplano. Tinitingnan din dito ang iba pang travel requirements mula sa local government unit (LGU0 na pupuntahan.
Alinsunod sa inilabas na Department Order 2022-001 ng Department of Transportation (DOTr) , ‘No Vaccination, No Ride’ policy, naglabas na rin ang Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP ng Memorandum Circular Number 02-2022 na nagsasaad na bawal ang sumakay ng eroplano o hindi makakapasok ng paliparan ang mga pasahero na hindi bakunado.
Giit ni CAAP Spokesperson Eric Apolonio na tanging fully vaccinated lamang ang papayagan na sumakay ng eroplano at hindi ang kahit first dose.
Paliwanag din ni Apolonio at ni Philippine Airlines Spokesperson Cielo Villaluna na kahit naglabas na ng Department Order ang DOTr hinggil sa No Vaccination, No Ride Policy dapat ding isaalang–alang na meron din ibang mga travel requirements ang mga LGU sa mga pasahero na papasok sa kani-kanilang mga probinsiya.
“Para sa mga domestic travelers ang pinakaunang …ay vaccine card weather digital copy or hard copy, para makasiguro kayo puwedeng both version hard copy o digital copy, pangalawa yung mga requirements ng iyong LGU. So kung ang LGU ay nagre-require ng S-Pass, QR Code , government ID ,etc. they must comply, kung ang requirement lang ng LGU ay valid ID o antigen and you must require, you must comply,” pahayag ni Villaluna.
Samantala para naman kay Villaluna naging matagumpay naman ang pagpapatupad ng unang araw ng no vaccination no ride policy.
Pero aminado si Villaluna na hindi naiiwasan na merong iilang mga pasahero na maraming katanungan pero aniya nakahanda naman ang kanilang mga frontliners at ticketing office at reservation contacts center na bigyan ng paliwanag ang mga pasahero.
Dagdag din ni Villaluna, karamihan din sa mga katanungan ng pasahero ay mga pabalik na residente ng NCR na nanggaling pa sa mga probinsiya kung sila ay mapapabilang na essential travel at mga minors edad 11 na hindi pa bakunado.
May mga LGU din gaya ng Bacolod, Iloilo at Caticlan ay nagrerequire ng RT-PCR test kahit fully vaccinated na ang isang pasahero.
Pero paliwanag naman ni Villaluna meron din naman exemption sa naturang alintuntunin.
“Hindi bakunado ang isang traveler hindi sya makakabiyahe kung ang reason for travel ay leisure bilang domestic tourist pero kunwari sya unvaccinated regardless of age kahit kasama yung doon ang up to 11 yeard old and below …basta essential ang reason niya they support documents then we will grant exemption,” ayon pa kay Villaluna.
Exemption din sa naturang panuntunan, ang isang unvaccinated na pasahero at kailangan niyang pumunta sa isang lugar para bumili ng mahalagang kakailanganing produkto o services papayagan pa rin ang mga ito na makalipad basta kumuha lamang ng permit mula sa kanilang barangay.
Dapat din ang maituturing na fully vaccinated ang mga pasahero kung ito ay tumanggap na ng second dose.