NAGLABAS ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ng Notice to Airmen (NOTAM) sa mga eroplano na lumilipad malapit sa Bulkang Kanlaon.
Sa inilabas na NOTAM, pinapayuhan ang mga operator ng flight na iwasan ang paglipad malapit sa bulkan dahil sa posibilidad ng biglaang pagsabog o phreatic eruptions at iba pang volcanic activities nito.
Sa updated announcement, sakop ng babala ang vertical limits mula sa surface hanggang 22,000 feet.
Pinapayuhan na ng CAAP ang publiko na maging alerto at sundin ang mga babala na inilabas ng mga awtoridad.
Epektibo ang babala hanggang mamayang 4:25 ng hapon, Disyembre 10.