Pinalawig ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang Notice to Airmen (NOTAM) o ang pagbabawal sa mga flight na lumipad sa taas na 11,000 feet mula sa ibabaw ng Bulkang Taal haggang bukas, Sabado, Disyembre a-siyete.
Kasalukuyang nasa alert level 1 ang Bulkang Taal kung saan posible ang biglaang pagputok ng steam o phreatic explosions.
Ayon kay CAAP Spokesperson Eric Apolonio, mahigpit na pinapayuhan ang mga operator ng flight na iwasan ang paglipad malapit sa bulkan.
“At napaka delikado, specially doon sa mga small aircraft ma-ingest nya yung engine, ma-install ang engine alam mo na ang mangyayari kung sakali,” ayon kay Eric Apolonio – spokesperson, CAAP.
Ayon kay Apolonio, wala namang apektadong biyahe dahil sa kasalukuyang sitwasyon ng Bulkang Taal.
“Kaya nga kami nag-iisyu ng notam is to inform ‘yung mga airlines at pilots na kung may flights sila iwasan nila ang lugar na ‘iyon,’’ saad nito.
Magtatagal ang NOTAM hanggang bukas ng alas-nuwebe ng umaga.