CAAP, nagpalabas ng babala kasunod ng panibagong pag-aalboroto ng Bulkang Mayon

CAAP, nagpalabas ng babala kasunod ng panibagong pag-aalboroto ng Bulkang Mayon

MULING nagpalabas ng babala ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) kaugnay sa pag-aalboroto muli ng Bulkang Mayon.

Sa panayam ng SMNI News sinabi ni CAAP spokesperson Eric Apolonio na kasunod ng obserbasyon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) at Tokyo Volcanic Ash Advisory Center ng Volcanic Ash Cloud na nangyari alas otso ng umaga ng Lunes ay nag-isyu sila ng Notice to Airmen.

Pinapayuhan ng CAAP ang mga piloto na iwasan munang lumipad sa taas na 11,000 kilometro sa paligid ng bulkan.

Matatandaan, sa inilabas na abisio ng PHIVOLCS araw ng Lunes, nakapagtala ang Mayon Volcano Network ng 12 volcanic earthquakes, 115 rockfall events at 6 pyroclastic density current (PDC) events.

Gayunpaman, tiniyak ni Apolonio na hindi ito nakaapekto sa mga bibiyaheng patungong Bicol.

Ayon din kay Apolonio, umaabot na sa 24 ang pumapasok at lumabas na commercial flight sa Bicol International Airport bawat araw.

Pero kahit noon pa man, nasa Alert Level 3 ang status ng bulkan, hindi naman naapektuhan ang mga flights patungong Bicol.

Paalala ng CAAP na patuloy na makipag-ugnayan sa kanilang airline habang patuloy na nasa Alert Level-3 ang bulkan.

Ayon sa CAAP, habang nasa Alert Level 3 pa rin ang Bulkang Mayon ay patuloy pa rin na mag-iisyu sila ng NOTAM.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble