NAKIPAG-ugnayan na ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa Federal Aviation Administration (FAA) para mapaunlad ang ‘air navigation’ ng bansa.
Partikular na pokus ng ugnayan na ito ang modernisasyon ng communication, navigation, and surveillance (CNS) systems ng mga paliparan.
Maging ang modernisasyon ng air traffic flow management and contingency planning maging ang posibleng privatization ng mga paliparan, at navigation and traffic services.
Ang FAA ay ang Federal Government Agency ng United States-Department of Transportation na siyang nagri-regulate sa kanilang civil aviation.