KINUMPIRMA ni Philippine Airlines (PAL) Spokesperson Cielo Villaluna sa SMNI ang pagbabalik uniform ng kanilang cabin crew ay alinsunod sa alert levels at regulation ng bansa at local government unit of destination.
Ilan kasi sa mga manlalakbay ang ipinagtataka kung bakit hindi na nagsusuot ng personal protective equipment (PPE) ang mga cabin crew ng Philippine Airlines.
Paliwanag ng PAL, ito’y dahil na rin sa pagbaba ng bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa buong mundo at sa karamihan ng mga lungsod globally ay ganap nang nabakunahan kontra COVID-19.
Bukod dito aniya, inaprubahan din ng kanilang Safety and Medical Departments ang paggamit ng regular na uniporme ng cabin crew bilang kapalit ng pagsusuot ng PPE.
Giit din ng PAL, ang hakbang na ito’y katumbas ng mga pamantayan sa industriya at hindi nakompromiso ang kapakanan ng mga pasahero at cabin crew sa kanilang mga flight.
Ang mga mask at gloves ay isusuot pa rin kasama ng regular na PAL cabin crew uniform.
Ang mga flight papuntang Taiwan at China ay saklaw pa rin ng mga regulasyon ng PPE.
Samantala, ang PAL ay nag-ooperate ng average na 300 flight legs sa isang araw.
Kumbinasyon ito ng mga international at domestic departure at arrivals bawat araw.
Sa kasalukuyan, ang PAL ay nag-ooperate na ng 80% ng pre–pandemic levels.
BASAHIN: PAL, umaasang maibalik ang prepandemic domestic capacity nito sa dulong bahagi ng taon