Cabinet members, itinalaga sa mga LGU ng NCR para pangasiwaan ang COVID-19 response

Cabinet members, itinalaga sa mga LGU ng NCR para pangasiwaan ang COVID-19 response

ITINALAGA ang cabinet members ng administrasyon sa mga local government unit (LGU) ng National Capital Region (NCR) at sa ilang karatig-lalawigan upang pangasiwaan ang estado at pagresponde ng COVID-19.

Ito ay base sa inilabas na resolusyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) kung saan binigyan ng direktiba ang bawat opisyal ng gabinete na istriktong i-monitor ang performance, health system, critical care capacity ng mga lugar sa NCR.

Nakasaad din sa IATF Resolution No. 62 na pinatitiyak din sa mga cabinet members ang pagsunod ng mga LGU sa surveillance, isolation at treatment protocols.

[highlight color=”gray”]Narito ang mga itinalagang cabinet members sa mga LGU ng National Capital Region[/highlight]

[tie_slideshow]

[tie_slide] [/tie_slide]

[tie_slide] [/tie_slide]

[tie_slide] [/tie_slide]

[tie_slide] [/tie_slide]

[tie_slide] [/tie_slide]

[/tie_slideshow]

Sa labas naman ng Metro Manila, pangangasiwaan ni Justice Sec. Menardo Guevarra ang Bulacan, Defense Sec. Delfin Lorenzana ang Cavite, PCOO Sec. Martin Andanar ang Laguna, at Energy Sec. Alfonso Cusi naman ang sa Rizal Province.

Samantala, sang-ayon si Marikina City Mayor Marcelino Teodoro sa deriktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na italaga ang mga gabinete sa iba’t ibang mga local government unit.

Sa panayam ng SMNI News, makatutulong aniya ang naturang hakbang upang mapabilis ang anumang programa ng mga lokal na pamahalaan kontra COVID-19 sa tulong ng national government.

“Most welcome ‘yan, dahil alam mo, we should have a whole government approach eh. ‘Yong pagtugon natin sa ganitong pandemic dapat ay at the local and national level, ay synchronize ‘yong mga effort natin. Kung ano ‘yong kulang sa lokal ay napupunan ng national.” Mayor Marcelino Teodoro, Marikina City

Kaugnay nito, nabibigay naman aniya ng national government sa tamang oras ang mga pangangailangan ng lokal na pamahalaan ng Marikina.

“Doon sa tulong naman, totoo naman, ako’y magiging matapat, eh, nabibigay naman on a timely manner sa anong kinakailangan natin. At kung ano ‘yong kailangan natin ay natutugunan naman.” Mayor Marcelino Teodoro, Marikina City

Samantala, ayon kay Mayor Teodoro, mayroong resources ang mga LGU ngunit dapat magamit ng mabuti para sa kailangan ng mga nasasakupan.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.