Cacdac itinalaga muli bilang ad interim sec ng DMW matapos ma-“bypass”

Cacdac itinalaga muli bilang ad interim sec ng DMW matapos ma-“bypass”

ITINALAGA muli bilang ad interim secretary ng Department of Migrant Workers (DMW) si Hans Leo Cacdac.

Kasunod ito ng pagkaka-bypass ng kumpirmasyon nito sa Commission on Appointments (CA) kamakailan.

Sa pagsalang nito sa CA noong nakaraang linggo ay mayroong dalawang dumalo para harangin ang kompirmasyon ni Cacdac dahil sa umano’y mga dummy recruitment agency ng kalihim.

Pinabulaanan naman ito ni Cacdac subalit iyon nga at hindi na sapat ang oras para sa kumpirmasyon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble