Cagayan Valley relief ops ng  OVP, sinimulan na

Cagayan Valley relief ops ng  OVP, sinimulan na

HINDI nagpatinag ang Office of the Vice President (OVP) sa magkakasunod na Bagyong Kristine, Leon, Marce at Nika, at isinagawa ang unang araw ng relief operations sa Tuguegarao City, kahapon, Nobyembre 12, 2024.

Nasa kabuuang 857 pamilya ang nabahaginan ng 767 food boxes, 90 grocery bags, at 3,976 bottled water. ang mga grocery bags ay pinagsama-samang donasyon mula sa mga pribadong indibidwal.

Partikular na namahagi ng tulong ang mga tauhan ng OVP-Disaster Operations Center (OVP-DOC) sa East Central School, Tuguegarao North East Central Integrated School, Centro 11, Caritan Norte, AIS East, Atulayan Sur, Cathedral, Annafunan East AIS, at Linao East.

Magpapatuloy ang relief operations ng OVP sa Tuguegarao City sa susunod na mga araw.

Lubos na nagpapasalamat ang OVP sa lahat ng tulong mula sa mga mga private sector, at sa tiwala na makakarating sa mga nangangailangan ang mga tulong na ito.

 

 

Editor’s Note: This article has been sourced from the Office of the Vice President of the Philippines Facebook Page.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter