Calbayog City Mayor at 2 iba pa, patay sa pananambang

PATAY sa pananambang si Calbayog City Mayor Ronaldo P. Aquino at dalawang iba pa ng mga hindi pa nakilalang mga armadong kalalakihan sa Laboyao Bridge, Barangay Lonoy ng nasabing lungsod sa probinsiya ng Samar kaninang 5:30 ng hapon.

Nasa kritikal naman ang isa na dinala sa St. Camillus Hospital, Calbayog City.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, habang patungo ang biktima at ang kasama nito sa hilagang direksyon sa nasabing barangay lulan ng puting Toyota Hi Ace van nang tinambangan ito ng mga suspek na lulan ng dalawang sasakyan na nagresulta ng palitan ng putok.

Nagbunsod ito ng pagkamatay ng mga biktima at ng isa sa mga suspek.

Kasalukuyan namang iniimbestigahan ang motibo ng nasabing insidente habang nagsagawa ng hot pursuit operation ang iba pang pulis at 1st SPMFC na nakabase sa Palanas Cara.

Nakaalerto na rin ang QCP checkpoint para sa posibleng pagkakilanlan at pagkaaresto ng mga tumatakas na suspek.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.