Caloocan City muling ipatutupad ang curfew at quarantine passes

Caloocan City muling ipatutupad ang curfew at quarantine passes. Muling ipatutupad ang curfew at paggamit ng quarantine passes sa Caloocan City simula sa miyerkules, Marso 10 sa gitna ng tumataas na bilang ng Covid-19 cases.

Ito ang inanunsyo ni Caloocan City Mayor Oscar Malapitan sa kanyang facebook post kasabay ng kanyang pagtanggi na may mangyayaring lockdown.

Ngunit sa paglilinaw ng alkalde walang manyayaring lockdown sa naturang lungsod.

Ayon kay Malapitan, hintayin na lamang ang kanyang ilalabas na executive order hingil lamang sa muling paggamit ng color- coded quarantine pass sa mga supermarket at palengke sa lungsod.

Maging ang muling pagbabalik ng 10pm hanggang 4am na curfew hours.

Magkakaroon naman ng free swab testing sa bawat baranggay ng lungsod. Ayon sa City Health Officer Dra. Evelyn Cuevas, regular na RT-PCR test sa People’s Park at Caloocan Sports Complex, simula ngayong araw lunes hanggang biyernes, alas 10 ng umga hanggang alas 2 ng hapon.

Pinapaalalahanan naman ang mga mamamayan ng lungsod na magdala ng kanilang form at magpa- schedule ng araw para sa swab test.

Nais naman ipaabot ng alkalde na epektibo ang kanilang gagawing ito.

′′ We don’t stop mass testing and contact tracing. We have already proven that this is an effective way to fight the pandemic. And now that there is an increase in our active cases again, we encourage the citizens not to be a hoarder. Get tested immediately if we feel symptoms,” paalala ni  Mayor Oca Malapitan.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.