Caloocan-España toll segment ng NLEX, bubuksan na sa March 27

Caloocan-España toll segment ng NLEX, bubuksan na sa March 27

BUBUKSAN na sa March 27 ang Caloocan-España segment ng NLEX connector dahil sa kasalukuyan ay 98% na itong kompleto.

Ayon ito kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan.

Ang 8 kilometrong toll road na nagdudugtong sa Caloocan at Sta. Mesa ay tinatayang lubos nang makokompleto sa huling bahagi ng buwan ng Mayo.

Sinasabi ng DPWH na ang toll segment na ito ay masosolusyonan ang traffic congestion sa España Boulevard, Abad Santos Avenue, Rizal Avenue at Lacson Avenue.

Ang NLEX Corporation ay isang premiere company na tumututok sa development, design, construction, finance, operation at management ng toll road projects.

 

 

Follow SMNI NEWS in Twitter