MAAARI nang ma-ban si Calvin Abueva sakaling mangungutya ulit, ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial.
Nitong linggo ay pinagmumulta ang manlalaro ng P100-K matapos kinutya niya ang kapansanan ni San Miguel Beermen Coach Jorge Gallent.
Kung matatandaan, hindi ito ang unang pagkakataon na nangutya si Abueva.
Noong 2019 ay nagkaroon ng indefinite suspension si Abueva matapos nasapak niya si Dating TNT Import Terrence Jones.
Nasuspinde rin ito matapos gumawa ng hindi kaaya-ayang kilos sa girlfriend ni Ray Parks.
Matapos ang 16 na buwan ay doon pa nakabalik sa paglalaro si Abueva.