Calvin Abueva, nangakong ibibigay ang 110% sa laban ng Gilas Pilipinas sa Asian Games

Calvin Abueva, nangakong ibibigay ang 110% sa laban ng Gilas Pilipinas sa Asian Games

IPINANGAKO ni Calvin Abueva, ang tinawag na ‘The Beast’ ng Gilas Pilipinas na kaniyang ibibigay ang kaniyang 110 percent para sa laban ng Pilipinas sa Asian Games sa China.

Ito ay kung aaprubahan ng Asian Games organizers ang pagsali ni Abueva sa national team.

Matatandaan na ngayon lang nakabalik sa national team si Abueva pagkatapos ng limang taon.

Matatandaan na kasama si Abueva sa 13 player at dalawang coaches na sinuspinde matapos masangkot sa away ng Philippines at Australia sa FIBA World Cup Qualifier noong 2019.

Samantala, kabilang si Abueva sa mga dumalo sa unang pagsasanay ng Gilas para sa Asian Games sa PhilSports Arena kasama sina June Mar Fajardo, Japeth Aguilar, Scottie Thompson, Justin Brownlee at iba pang miyembro ng national team.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble