PINANGUNAHAN ni Calvin Oftana ang TNT para manalo sa dikit nilang laban vs Meralco.
Panalo ang Phoenix Fuelmasters kontra Terrafirma Dyip sa iskor na 122-108.
Resulta ito sa naging laban nila nitong Enero 7, 2025 sa nagpapatuloy na elimination round ng 2024-2025 PBA Commissioner’s Cup.
Panalo naman ang TNT Tropang Giga kontra Meralco Bolts sa iskor na 101-99.
Bagamat naging dikit ang laban ay nakuhang pangunahan ni Calvin Oftana ang TNT matapos nag-ambag ng 24 points at 4 rebounds sa panalong ito ng koponan.