NIYANIG ng 5.1 na lindol ngayong umaga ng Biyernes ang Tinaga Island sa Camarines Norte.
Ito ay may lalim ng isang kilometro at tectonic ang origin.
Ayon sa Phivolcs, walang inaasahang maitatalang pagkasira sa mga imprastraktura ngunit maaring makaranas ng aftershcoks ang lugar.
Sa kabila nito, magsasagawa pa rin ng assessment ang lokal na pamahalaan kung may nasirang gusali ayon kay Camarines Norte Mayor Jose Panganiban.
Samantala, Intensity IV ang naramdaman ng mga residente sa Capalonga, Camarines Norte habang Intensity II naman ang naranasa sa Goa at Naga City, Camarines Sur at Calauag, Quezon Province.
Intensity 1 naman ang naramdaman sa Cainta, Rizal.
Samantala, instrumental intensities naman ang naramdaman sa mga sumusunod na lugar:
Intensity IV sa Jose Panganiban, Camarines Norte
Intensity III sa Guinayangan, Quezon,
Intensity II sa Gumaca, Mauban at Lopez, Quezon
Intensity I naman sa Marikina City, Pasig City, Metro Manila at San Rafael, Bulacan
Bukod pa rito, nakaranas din nang pagyanig ngayon lamang 7:49 ng umaga ang bayan ng San Jose sa Occidental Mindoro.
Ito ay may lalim na 14 na kilometro at tectonic in origin.
Sa kabila nito, walang inaasahang sira sa mga gusali at aftershocks.
Instrumental intensities ang naranasan sa mga lugar ng San Jose, Occidental Mindoro at Roxas City- Intensity III, at sa San Jose de Buenavista, Sebaste, Antique-Intensity 1.