Cambodia, inihayag na walang human-to-human bird flu transmission sa bansa

Cambodia, inihayag na walang human-to-human bird flu transmission sa bansa

INIHAYAG ng Cambodian health authorities na walang natagpuang human-to-human transmission ng bird flu case sa isang ama at anak nito na nagpositibo sa virus.

Kamamatay lamang ng 11 taong gulang na babae na nagpositibo sa virus at nagpositibo rin agad ang ama nito matapos ang dalawang araw na naging dahilan ng pagkabahala ng World Health Organization (WHO) ng posibleng human-to-human transmission ng virus.

Ayon naman sa Communicable Disease Control (CDC) Department ng Cambodia, base sa kanilang imbestigasyon, parehong nakuha ng mag-ama ang virus mula sa mga ibon sa kanilang village at walang transmission na nakita sa pagitan ng dalawang indibidwal.

Dagdag pa ng CDC, ang ama na hindi nakitaan ng sintomas ay nakarekober na mula sa virus at nakalabas na rin ito ng ospital.

 

Follow SMNI NEWS in Instagram