ITITIGIL na muna ng Cambodia ang kanilang pag-aangkat ng langis sa Thailand.
Ito’y habang tumitindi ang tensiyon sa nagpapatuloy na alitan ng dalawang bansa sa kanilang hangganan.
Nagsimula ang alitan ng dalawa nang mapatay ang isang sundalong Cambodian noong nakaraang buwan.
Sa gitna ito ng palitan ng putok sa isang pinag-aagawang lugar na kilala bilang Emerald Triangle.
Sa Emerald Triangle nagtatagpo ang mga hangganan ng Cambodia, Thailand, at Laos.