Cambodia, kumita ng higit $500M mula sa pag-export ng bigas at dry rubber

Cambodia, kumita ng higit $500M mula sa pag-export ng bigas at dry rubber

AABOT sa USD544-M ang kinita ng Cambodia mula sa pag-eexport ng mga bigas at dry rubber sa loob ng unang 8 buwan ng taon.

Patuloy ang paglago ng eksportasyon ng mga bigas at dry rubber sa Cambodia.

Sa inilabas na datos ng General Directorate of Rubber, nasa $301.3-M o katumbas ng 194,014 tons ng dry rubber mula sa buwan ng Enero hanggang Agosto ngayong taon ang na-export nito.

Ayon naman sa Cambodia Rice Federation (CRF), nasa $242.8-M o katumbas ng 389,000 tons ng milled rice ang na-export nito sa 56 bansa.

Paliwanag naman ni Cambodian Ministry of Commerce’s Undersecretary of State and Spokesman Penn Sovicheat, ngayon taon ay maglulunsad ang bansa ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) free trade agreement na malaking tugon upang mapalago pa ang ekonomiya.

Samantala, patuloy naman sa pagsuporta ngayon ang pamahalaan ng Cambodia sa sektor ng agrikultura upang lumakas pa lalo ang eksportasyon nito sa ibang bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter