Cambodia, nagbigay ng COVID-19 aid sa Vietnam

Cambodia, nagbigay ng COVID-19 aid sa Vietnam

NAGBIGAY ng donasyon para sa pandemya ang Cambodia sa Vietnam.

Kabilang sa ibinigay ng Cambodia ay mga medical equipment at financial aid upang makatulong na mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa nasabing bansa.

Nangako si Prime Minister Hunsen kasama ang Cambodian Red Cross at  Vietnam-Cambodia Friendship Association  sa halagang $350,000 financial aid bilang karagdagan sa iba pang medical equipment na ibibigay sa Vietnam upang maiwasan ang impeksyon sa komunidad.

Kabilang sa mga medical equipment na ipapadala ay ang 1million face mask, 100,000 na KN95 face mask, 100 automatic oxygen concentrators at financial aid na $200,000 mula sa pamahalaan, $100,000 mula sa Cambodian Red Cross at $50,000 mula sa  Vietnam-Cambodia Friendship Association.

Ayon kay Cambodian Institute for Democracy President Pa Chanroeun, ang hakbang na ito ay nagpapakita ng pakikiisa  at pagpapatibay ng ugnayan sa pagitan ng dalawang bansa.

Sa ngayon, tinamaan ng COVID-19 outbreak ang Vietnam lalo na ang Ho Chi Minh City.

Nagsara ang mga commercial building at mga negosyo simula ngayon buwan ng Hulyo matapos maitala ang libu-libong mga kaso sa COVID-19 sa bansa.

Kasunod na nagsara ang mga wet market, maaring mamili lamang ang mga residente sa itinalagang supermarket.

Dahilan ito upang magreklamo ang maraming mga tao dahil sa kakulangan ng bilihin sa pamilihan at sa haba ng pila nito.

“The situation is getting serious with a high rate of transmission, especially with the dangerous delta variant. We have to put the health and safety of the people as top priority,” ayon kay Prime Minister Pham Minh Chinh.

Ayon sa opisyal, kailangang sumunod sa mga patakaran, multa at road blocks ang mga tao sa Ho Chi Minh City para maiwasan ang pagkahawa-hawa nito.

Pinapayagan lamang ang mga residente na umalis sa bahay upang mamili sa mga pamilihan at dumalo sa mga isyu na nauugnay sa kalusugan.

Nangako ang gobyerno na tutulong sa mga pangangailang ng tao sa pamamagitan ng tulong pinansyal lalong-lalo na sa mga walang trabaho na may pamilya.

SMNI NEWS