NAGPOSITIBO sa COVID-19 si Cambodian Prime Minister Hun Sen.
Kinumpirma mismo ito ni Hun Sen sa kanyang Facebook post.
Si Hun Sen ay nakasama ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at iba pang regional leaders sa ginanap na 40th at 41st ASEAN Summits sa Cambodia mula Nobyembre 10-13, 2022.
Dahil dito, pinapayuhan ng Cambodian Prime Minister ang kanyang mga nakasalamuha na gawin ang mga kaukulang pag-iingat.
Sa ngayon ay wala pang sagot ang Malacañang sa kalagayan ni Pangulong Marcos.