Cambodian PM Hun Sen, sinalubong ng red carpet welcome sa Myanmar

Cambodian PM Hun Sen, sinalubong ng red carpet welcome sa Myanmar

SINALUBONG si Cambodian Prime Minister Hun Sen ng red carpet welcome sa Myanmar.

Dumalaw sa Myanmar para sa dalawang araw na pakikipag-usap sa Junta ang Punong Ministro ng Cambodia.

Sinalubong ng isang honorable na gwardya at red carpet ang Cambodian Prime Minister nang bumisita ito ngayong araw sa Myanmar.

Ang dalawang araw na pagbisita na ito sa mga military leaders ay kauna-unahan mula nang agawin ng mga ito ang kapangyarihan kay Aung San Suu Kyi noong nakaraang taon.

Umani naman ng kritisismo ang hakbang na ito ng Prime Minister Hun Sen mula sa Coup opponents.

Nagkaroon rin ng kilos protesta sa iba’t-ibang parte ng Myanmar.

Sa kasalukuyan ang Cambodia ang pinuno ng Asean at nangunguna rin sa diplomatikong pamamaraan ng pagresolba sa krisis ng Myanmar.

Matatandaan na noong Oktubre nang nakaraang taon ay hindi rin pinayagan si Min Aung Hlaing na pinuno ng militar na dumalo sa Asean na samahan ng mga bansa sa South East Asia.

SMNI NEWS