PWEDENG maging sports tourism destination ang Camotes Island ayon kay Tourism Secretary Christina Garcia-Frasco.
Binigyan-diin ni Sec. Frasco ang potensiyal ng Camotes Group of Islands bilang isang destinasyon ng sports at cruise tourism.
Aniya, malaki ang magagawa ng sports tourism sa bansa dahil marami ang mga magagandang destinasyon sa Pilipinas na maaaring isagawa ang mga kaganapan.
Dagdag pa nito, mayroon ding iba pang tourist attractions sa kalapit na bayan ng Tudela, Poro at Pilar na pwedeng ipakilala sa domestic o international at pagkakataon na ring madiskubre ang Camotes Island.
Kabilang sa mga tourist attractions ng Camotes ay ang Buho Rock, Greenlake Park, Mount Calvary (Kalbaryo), Lake Danao, at ang malaking mangrove swap sa pagitan ng Pacijan hanggang Poro.
Makapagbebenepisyo rin dito ang mga local hotels, negosyo, suppliers, boatmen, transport operators at marami pang iba.