Camotes Island sa Cebu sinuyod ng mga bisita at delegado ng Suroy-Suroy Sugbo

Camotes Island sa Cebu sinuyod ng mga bisita at delegado ng Suroy-Suroy Sugbo

NAGING matagumpay ang dalawang araw na Suroy-Suroy sa Sugbo na ginanap nitong nakaraang mga araw sa buwan ng Mayo taong kasalukuyan.

Kung saan bitbit sa pag-uwi ng bawat delegado ang kanilang maganda at hindi malilimutang karanasan at obserbasyon sa tatlong araw na pagbisita sa probinsiya ng Cebu.

Kabilang sa mga guest at delegates ng Suroy Suroy Sugbo ay mga hukom, iba’t ibang opisyal ng pamahalaan, partikular sa Department of Tourism (DOT), NFA, SolGen, PGC, PNP, at iba pa. Naging special guest din ang mag-asawang Richard Gomez at Lucy Torres.

Si Sen. Lito Lapid at anak nitong si Mark Lapid ng Tourism Infrastructure and Enterprises Zone Authority (TIEZA) ay kabilang sa guest of honor at dumalo sa Suroy Suroy Sugbo.

Ilan sa mga aktibidad na kanilang ginawa ay ang mag-island hopping patungo ng Camotes Island. Bilang unang destinasyon ay ang bayan ng Pilar, kung saan mainit ang pagtanggap sa mga bisita. Sumunod ay ang bayan ng San Francisco. Samantalang sa pangalawang araw nito nagtungo ang delegado sa bayan ng Tudela at final destination ay ang bayan ng Poro sa Camotes Island, Province of Cebu.

Nangako si Sen. Lapid na magbibigay siya ng P1-M pondo sa bayan ng Pilar upang magamit sa development pa ng nasabing bayan.

Ang Suroy Suroy Sugbo ay proyekto ni Cebu Gov. Gwendolyn Garcia na sinimulan noong 2004 na ang layunin ay pasiglahin ang turismo sa magandang lugar ng Camotes Island kung saan showcase nito ang tradisyon, kultura, turismo, heritage at religious sites, mga pagkain at mga produktong unique sa isang bayan.

Follow SMNI NEWS on Twitter