Camp Aguinaldo, isinailalim sa lockdown

ISINAILALIM sa lockdown ng buong Camp Aguinaldo para sa sa disinfection.

Ito ay matapos inanunsyo ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na nagpositibo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Filemon Santos.

Kasalukuyang naka-home quarantine si Santos sa kanyang quarters sa loob ng kampo.

Pinayuhan din ng Chief of Staff na sumailalim sa self-quarantine ang mga nakasalamuha niya noong Marso 13-27, 2020.

Habang ang mga nakasalamuha ni Santos noong Marso 9 hanggang Marso 12 ay pinayuhan ng humingi ng medical advice.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.