Canada, magbibigay ng P1.1-B bilang development assistance sa Pilipinas

Canada, magbibigay ng P1.1-B bilang development assistance sa Pilipinas

MAGBIBIGAY ng P1.1-B ang Canada bilang development assistance sa programa ng Pilipinas hinggil sa climate adaptation, natural disasters resilience, at health care services.

P333-M dito ayon sa Forest Foundation Philippines ay para sa mga lugar na lubos na naapektuhan sa climate change.

Maliban pa dito ang Alinea International ng Canada ay magpapatupad ng mga proyektong makatutulong sa climate resilience ng anim na probinsiya sa Pilipinas.

Ang Plan International Canada naman ay magkakaroon ng mga produkto na may kaugnayan sa health promotion campaigns.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble