Canadian national na itinuturong konektado sa 1.4 toneladang shabu sa Alitagtag, Batangas, naaresto ng PNP

Canadian national na itinuturong konektado sa 1.4 toneladang shabu sa Alitagtag, Batangas, naaresto ng PNP

KINUMPIRMA ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pagkakaugnay ng naarestong dayuhan na si Thomas Gordon O’Quinn alyas James Martin sa nasabat noon na mahigit sa isang toneladang shabu sa Alitagtag, Batangas noong nakaraang buwan ng Abril.

Magugunitang naaresto ng pinagsanib na puwersa ng Intelligence Units ng NCRPO, CALABARZON at Bureau of Immigration si Thomas Gordan alyas James Martin sa Brgy. Maitim 2, Tagaytay City noong isang lingo.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter